PASASALAMAT LANG PO!
Sa tunay na ako ay marami akong gustong pasalamatan. Isa na nga po ang aking mga magulang. Salamat po sa walang sawang nakasuporta sa likuran ko at handang tumulak sa akin sa bangin kapag sobra na ako. Sa Kuya kong ako lang ang paborito. hehe. Siya lagi ang kinukulit ko sa mga tagalog na salitang hindi ko alam kung saan balon malalim ba kinukuha. Salamat po sa inyo!
Sa mga kaibigan ko na nagbibigay sa akin ng inspirasyon at masigasig na pagpapahayag ng kanilang papuri sa mga sinusulat kong istorya. Hindi ninyo lang alam kung paano ako ninyo napaliligaya sa mga komento ninyong hindi lamang basta komento kung hindi mga pasaring at pang-aasar at panlilibak na rin. Para sa akin ay papuri pa rin iyon matatawag dahil nagawi kayo dito sa aking munting palasyo ng imahinasyon.
Sa aking behind the scene editor na si Ate Neresita June, Maraming salamat po sa pagtitiyaga sa aking mga istorya. Utang ko po sa inyo lahat. hehe.
Sa aking masugid na mambabasa. Kay Ate Ikay, marami pong salamat. Alam ko pong kulang pa po ito sa tiyagang ipinakita ninyo sa akin sa pagbabasa sa novela ko.
Sa bago kong kapamilya, kapuso, ka-TFC, ka- INQ tv- FRN filipino romance novel. Maraming salamat po sa lahat ng suporta at pagbibigay ninyo sa akin ng oportunidad na maipamalas ko ang aking kakayahan bilang isang manunulat. hehe. sa forum lang po. wala pa po akong istoryang nailalathala sa mismong site ng FRN bagamat wala pa po akong istorya doon ay nagpapasalamat pa rin po ako.
Iyon lamang po. Alam kong marami pa po akong pasasalamatan sa darating na panahon.
meron pa pala, sa mga taong makakadaan o makakapunta sa aking munting palasyo ng imahinasyon, maari po kayong magtapon ng kalat sa aking hapag komento.
Muli, Maraming Salamat po!

littlecat, det mig!
Oktubre 13, 2009 Sa 06:32
Galing mong talagang magtagalog LittleCat para ngang hindi mo na kailangang turuan, pakiramdam ko ay mas magaling ka pa sa akin…right! hahaha…no seriously magaling ka.
Magpapasalamat lang ako sa pag-cheer-up mo sa akin sa FRN forum. It helps a lot.
Isa pa…Ewan ko kung nagagawi ka pa rin sa blog ko pero may nailathala na akong action/romance nagsisimula pa nga lang E-Check mo: http://mytagalogstories.wordpress.com/most-wanted/
Oktubre 13, 2009 Sa 15:11
nabasa ko na iyon ate wildcat. maganda. ang galing niyo naman po gumawa. naku nahihiya tuloy ako magpasa ng aking nobela. angel’s love at lost in your eyes ang ipapasa ko sa FRN.
si kuya po kasi nagtuturo sa akin na mag-tagalog kahit pa nga po yung kabaklaan na salita itinuturo din niya sa akin eh. salamat po sa pagdaan sa aking munting palasyo.
littlecat, det mig!
Oktubre 13, 2009 Sa 19:22
Hindi naman! maganda yung kuwento mo little cat. Madaling basahin at sweet. May kanya-kanya nga lang tayong opinyon. Ipapasa mo ba ang nobela mo na complete kaagad sa Frn?
Oktubre 13, 2009 Sa 06:37
Ay, hindi lang pala “most wanted” kundi ang isla paraiso serie din ^^
Oktubre 14, 2009 Sa 00:54
opo ate wildcat, ipapasa ko po sa FRN na buo na. para hindi po ako malito sa susunod kong gagawin at wala na po akong aalalahanin na schedule sa posting. kinakabahan nga po ako eh. pakiramdam ko po kasi hindi pa ako karapat-dapat na maging isang writer.
pero sabi naman po ng editor ko, pwede na ko isabak. basta alamin ko lang daw po ang mga istoryang susulatin ko nang sa gayon ay hindi ako malito. sa totoo lang po ay talagang hirap akong intindihin ang sinasabi niya. wala akong alam when it comes in writing kaya nakikinig lang ako and I’m trying hard to put those in my mind.
mabagsik din kasi ang editor ko. grunt!
littlecat, det mig!