LOST IN YOUR EYES
![214517472l[1] 214517472l[1]](http://apriljune.files.wordpress.com/2009/08/214517472l1.jpg?w=450&h=340)
LOST IN YOUR EYES
CHAPTER 1:
“Jessica, table number 14.” anang bar tender na inilapag sa mahabang bar counter ang drinks pagkatapos ay tumalikod na sa kaniya. naghihikab na kinuha ang order ng customer at wala sa sariling naglakad.
Mukha yatang nalasing siya sa mga tip drinks na ibinigay sa kaniya ng mga customers. Para siyang model na pagewang-gewang maglakad. Nahihilo siya. Muntik na niyang maitapon ang hawak na drinks ng sumandaling pumikit ang mga mata niya. Ipinilig niya ang ulo. Mahaba pa ang gabi. Marami pang customers na darating.
“Here’s your drink, sir.” Nakangiti niyang bungad sa lalaking customer nang makarating sa table 14. Bahagyang tumikhim ng lumingon sa kaniya at umayos ng upo.
Ngumiti sa kaniya ang lalaki. Dim light lang ang tumatanglaw sa lalaki kaya bahagya niyang inilaki ang mga mata upang matitigan ito. Maganda ang ngiti ng loko. Medyo singkit ang mga mata nito, hindi katangusan ang ilong pero bumagay sa shape ng mukha nito at sa military hairstyle at infairness, mapula ang mga labi. Mukhang disente ito, naka-coat and tie. Heck! lahat naman ng pumupunta sa bar nila ay mga naka-coat and tie. Pero iba ang dating nito. In short gwapo ang lalaking ito.
Beware, Jessica..hindi ka pwedeng magkagusto sa mga guys ngayon. Marami ka pang dapat na gawin sa buhay mo! paalala niya sa sarili. Sumimangot siya sa lalaki.
“Thanks!” nakasunod sa kaniya ng tingin nang ilapag niya sa table ang martini na order nito. at nang makitang paalis na siya ay muling nagsalita. “by the way, what is your-”
“Ah..uh..” Putol niya sa sasabihin pa ng lalaki. Alam na niya ang mga tipo nito. Magtatanong ng pangalan niya at kung pwede siyang ilabas ng bar at makipag-all the way down. “I’m not a hooker, Sir.” may diin ang mga salitang lumabas sa bibig niya. “Enjoy your night.”
Nakasimangot niyang nilisan ito. Mabuti na lang hindi siya nito pinilit. Napabuntong hininga siya. Sayang na lalaki. Gwapo pa naman ito. Makalaglag underwear. Gusto lang pala siyang isahan. Gee! What a night!
Kanina sa school ay para siyang tulala. Nakukurta ang utak niya sa mga lessons kanina ng prof niyang pinaglihi sa kasungitan. Wala nang ginawa kundi ipahiya siya sa buong klase. Parang si Hitler kung bumanat ng mga salita sa kaniya at parang daddy niya na hari kung mag-utos na gawin niya ang imposible niyang magawa. Gee! What a day!
Hindi na muna niya iisipin ang mga problema niya. Kailangan niyang magconcentrate sa trabaho. Marami pa siyang tip drinks na maiinom. Napapailing siya. Baka masanay na siyang uminom ng alak kung palaging ganito ang mangyayari sa kaniya.
“Jessica, table number 22!” tawag sa kaniya ng bar tender ng makitang wala na siyang dalang drinks sabay lapag ng drinks sa bar counter.
“Coming!” sagot niya.
Mataman sinusundan ng tingin ni Marius ang babaing nakapagpangiti sa kaniya. Gusto lamang niyang itanong dito kung ano ang pangalan nito ng makapagpasalamat dahil sa buong maghapon na trabaho ay hindi man lamang niya nagawang makuhang ngumiti dahil sa mga problema-personal man o hindi ngunit iba ang naging kahulugan niyon dito. Biglang naningkit ang mga mata nito. Napagkamalan yata siyang dirty old man na ang gusto ay ma-i-kama ang babae. Mukhang sa kabila ng masayahin nitong mukha ay may katarayan itong taglay.
He shrugged his shoulder at muling napangiti ng makitang tumaas ang kilay ng babae dahil sa customer na marahil ay gusto itong makilala. kanina ay narinig niyang tinawag ito ng bar tender na Jessica.
Inilapit ang baso ng martini sa bibig at sumimsim ng kaunti.