istorya ni melfirose
Ang mga istoryang makikita ninyo sa pahinang ito ay mga sinulat na borador ng may akda- MELFIROSE- ginamit ko itong pahina na ito dahil na rin sa pasasalamat ko sa mga tulong niya sa akin bilang baguhan na manunulat.
DOUBLE FORBIDDEN
by melfirose
Ang sabi ng Diyos, Hindi masamang magmahal. Ngunit pinagtibay Niya ang isang kautusan na bawal ang makiapid…Nagmahal ako ng lalaking may pananagutan na sa iba…
Naisumpa ko sa harapan ng Diyos na Siya lamang ang tangi kong mamahalin…Ngunit, nagmahal ako ng lalaking may pananagutan na sa iba…
Mabuting asawa si Melanie at butihing Ina…Hindi ko akalain na sa isang kasalanan nagawa ko ay magagawa niya ang mga bagay, na hindi ko lubos maisip na kaya niyang magawa…Kasalanan ko ang lahat…Nagmahal ako ng lalaking may pananagutan na sa iba…
Hindi ko sinasadyang mahalin si Tom. Higit pa sa langit ang nararamdaman kong pag-ibig sa kaniya..Sinusubukan ba ang pananalig ko sa Diyos sa pagdating ni Tom sa buhay ko?
Ang tanging kabayaran ba ng lahat ng pagkakamali ko ay ang mismong buhay ko? Pagkitil ba ng sarili kong buhay ang tanging sagot sa paghihirap ko?
Ngunit, nagmahal lamang ako…Hindi naman pagkakasala iyon…
BAKA SAKALING MAHALIN MO RIN
SYNOPSIS:
Tumanggi ako sa alok ni Greg na akuin ang batang ipinagbubuntis ko. Mabuti itong tao at hindi ko gustong abusuhin ang kabaitan niya. Nang malaman ng aking Ina ay itinakwil niya ako. Dahil hindi ko kayang palakihin ang anak ko na mag-isa, napilitan akong tanggapin ang alok ni Greg. Nagpakasal ako sa kaniya kahit halos ama ko na siya kung ituring.
Bilang pasasalamat sa ginawa sa akin ni Greg ay naging mabuti akong asawa. Pinagsisilbihan ko siya at ginagawa ang lahat ng gustuhin niya. Ngunit palaging may mga tanong sa isip ko. Bakit hindi ako masaya? Bakit tumatanggi ang buong pagkatao ko sa tuwing hahawakan ako ng aking asawa?
Natagpuan ko ang sagot sa mga bisig ni Daniel. Sa mga halik at yakap at sa pag-aalaga at pagmamahal niya ay naramdaman kong muli, na isa akong babae. Kahit itinatanggi ng isip ko, na mali ang ginagawa ko ay dama kong hindi mali ang pagmamahalan naming dalawa.
Handa ko nang iwan si Greg at sumama kay Daniel. Alam kong walang kapatawaran ang gagawin ko, ngunit alam kong mapapatawad rin ako ni Greg.
BREAKING SILENCE
SYNOPSIS:
Kabilang sina Parc at Arthur sa mga vigilanteng hitman ng C5G Steel Company. Sila ang tumatapos sa mga hadlang sa kompanya. At mayroong tatlong bagay ang mahigpit na ipinagbabawal ng samahan: Bawal ang sekreto, Bawal magtraidor, Bawal ang anumang emosyon.
Ngunit minahal ni Parc at pinakasalan si Junifer na lihim sa C5G. Ngunit walang lihim na di nabubunyag. Natuklasan ito ng Kompanya. Kaya kamatayan nina Parc at Junifer ang magiging kaparusahan.
Mapapayagan ba ni Arthur na mamatay ang dalawang taong mahalaga sa kanya?
Nais ipaghiganti ni Lamond ang nangyari sa kapatid. Upang makalapit sa kaaway ay kinailangan niyang maging hitman ng C5G. Ngunit nagkaroon ng alanganin ang puso niyang puno ng galit at paghhihiganti ng makaramdam ng kakaibang damdamin para kay Sylvia Gervaise- anak ng lalaking isa sa pinaghihinalaaan niyang pumatay sa kapatid niya.
Dalawang bagay na ngayon ang nais niyang mangyari: Una, ang maipaghiganti ang sinapit na kamatayan ng kapatid at ikalawa, makuha ang puso ni Sylvia na umiibig sa kanyang kaaway.
ESPIYA SERIES
1.love’s stolen-story of beverly ortiz and denver hartford
Pumayag si Beverly na maging Espiya ng pamahalaan dahil sa dalawang dahilan: Una, ang maipaghiganti ang mga magulang sa ganid na Mayor ng San Agustin; at ang ikalawa ay si Denver Hartford- isa sa mga apat na Emperador- ang kaniyang nag-iisang mahal.
Babawiin niya sa tadhana ang ninakaw nitong pagmamahalan nila.
2.the last jinputai- story of mikan watanabe and huebert belgrade
Hindi malaman ni Huebert kung saan nanggaling ang pagnanais niyang protektahan ang haponesang jinputai, kusa nalang umusbong ang damdaming iyon sa puso niya. Atas lang ba iyon ng isip o puso na niya ang nagsasabi, dahil mahal na niya ang babaing bayarang pusakal?
3.the lost princess-story of cheyene calvert and watai aiviller
Umalis si Cheyene sa palasyo Esmeralda dahil ayaw niyang magpakasal sa lalaking pinili sa kaniya ng Hari. Magpapakasal lamang siya sa taong mahal niya. Natagpuan niyang umiibig siya sa isa sa mga Emperador ng Annapolis. Kay Knight Emperor. Pero hindi nito magawang suklian ang pagmamahal niya dahil may mahal itong iba.
Samantala, nalaman na ng Punong ministro kung nasaan ang prinsesa at sinimulan na nito ang pagkuha ng korona mula sa kaniya. Nabahala si Cheyene, batid niyang ang tanging makaliligtas sa kaniya ay ang prinsipe-caballerong pinili ng Hari para sa kaniya. Kailangan na ba niyang isuko ang pagmamahal para kay Watai upang mailigtas ang Palasyo Esmeralda.
4.firefly-story of apple ariega and trace martin
MOZART FORMULA- isang drugs na naimbento ng ABM team.
DOUBLE A- isang espiya ng Delta.
DELPHI SORIANO- nagbabalik na kaaway ng dating CIA agent.
GENIUS EMPEROR- paano niya maililigtas ang babaing mahal niya sa kamay ng dating terorista?
Anong gagawin ng Hari ng Annapolis upang mabuo ang pira-pirasong jigsaw puzzle?
CATHERINE
“Hindi na kita mahal, Marc. I’m breaking up with you.” matapang niyang sabi na ikinagulat ng kasintahan.
Tama lamang ang gagawin niya. Mas gusto niyang makita itong may mahal ng iba kaysa ang magdusang kasama niya. Alam niyang hindi na siya magtatagal. kaya bago pa nito tuluyan siyang kaawaan ay hahayaan na lamang niyang magmahal ito ng iba.
‘DI BALE NALANG!
Nagpasya nang sumuko si Guiller sa panliligaw kay Laarni dahil alam naman niyang kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan. Mayaman at may sinasabi na lalaki ang gusto nitong mapangasawa. At wala siya ni alin man sa dalawa.
Nagkaroon siya ng interes sa pinsan nito. Ikinagalit ni Laarni ang ginawa niyang panliligaw kay Ikay. Ngunit ang galit nito ay may kasama na yatang pagseselos. Iba na ang ikinikilos nito at para na itong laging maiiyak sa tuwing makikitang magkasama sila ni Ikay.
IT WAS JUST A BET
Naisumpa ni Jinky sa sarili na kung kayang magpaiyak at mag-two timer ang mga lalaki ay makakaya rin niyang gawin.
Isang lalaki ang nabiktima niya. nakipag-bet siya kina Ikay at Erin na kailangann niyang mahalikan ang lalaking nakatayong naghihintay sa kabilang gate. Kung mahalikan niya sa loob ng limang minuto ay sa kaniya mauuwi ang isang buwan sahod ng mga ito.
Nangahas siyang hagkan ang lalaki ngunit sa nangyari ay tila nagkaroon pa siya ng kakaibang damdamin. hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Hindi na dapat!