honey, my love, so sweet
![347257-20060413060401[1] 347257-20060413060401[1]](http://apriljune.files.wordpress.com/2009/07/347257-200604130604011.jpg?w=450)
HONEY, MY LOVE, SO SWEET
Crush ni Ella si Jordan at sa tuwina ay hinihiling niyang pansinin man lamang siya nito. At isang araw nga ay natupad ang minimithi niya. Ngunit kasabay rin noon ang pagtatagpo nila ng lalaking ubod ng suplado at laging nakaangil kahit sa isang simpleng bagay lang. Sanay naman siya sa mga sumpungin na tao ngunit bakit nasasaktan siya sa ipinapakitang kalamigan nito sa kaniya? At si Jordan, bakit hindi na siya kinikilig kahit nagpahayag na ito ng damdamin para sa kaniya?
CHAPTER ONE:
“Umuulan na naman!” naiinis na wika sa kaniya ng bestfriend niyang si Anaki. “Ang putik ng rain boots ko. Kakainis!”
Natatawa naman siya habang inaalis ang putik sa rain boots niya. Kahit kailan talaga reklamador ang kaibigan niya. Konting bagay ay inirereklamo na nito. Classmates silang dalawa at parehong nasa senior high school na. Magkasama na sila simula ng ipanganak sila. Ang mga magulang kasi nila ay matalik na magkaibigan rin.
“Siyempre naulan, kaya maputik. Tumigil kana nga sa karereklamo mo, Anaki. Gusto mo mamaya nalang tayo umuwi. Mag-videoke muna tayo. May malapit na videokehan dito.” nasisiyahan niyang yaya sa kaibigan.
Maaga silang pinauwi ngayon ng kanilang teacher dahil sa may school trip sila bukas, magpahinga daw sila ngayon dahil maaga ang biyahe ng mga estudyante kinabukasan. Pero mas gusto niyang kumanta at magpakasaya ngayon.
“Hus! Sabihin mo lang gusto mong mag-celebrate kasi napansin ka na ng crush mo.” panunukso nito. Nakangiti na ito. Mabanggit lang niya ang videokehan ay nawawala na ang tantrums nito. Isa ang kaibigan niya sa magagaling na singers ng Pilipinas. Pambato ito ng bansa sa mga singing contest abroad. Hindi naman siya magtataka pa roon dahil talagang maganda ang boses ng kaibigan niya. Bagay na bagay rito ang salitang ‘IDOL’
Nang maisip na naman ang crush ay ngumiti na naman nang pagkalapad-lapad si Mikaella. “Correct! Kaya magse-celebrate tayo ngayon.” At may kasama pang yahoo na lalong nagpatawa kay Anaki.
Masayahin silang magkaibigan. Kahit sa simpleng bagay ay napapasaya na sila, kahit na masyadong reklamador si pop Idol ay masasabi pa rin niyang masayahin ito. Ngunit minsan ay hindi rin nila maiwasan na magkaroon ng problema ang isa sa kanila. Kung humantong sa ganoon ang pangyayari ay hinaharap nila at pinagiisipan mabuti bago solusyunan.
Ang akala ng iba ay sila ang tipo ng kabataan na puro good time lang ang alam. Ang hindi alam ng mga ito ay bata palang sila ay may mga trabaho na. Ang kaniyang kaibigan ay isa ngang maituturing na Pop Idol. Ngunit pinaghirapan nito iyon bago maabot, kaya naman hanga siya rito.
Siya? Si Mikaella Santos- Isa sa mga cleaner ng school nila. After school ay tumutulong siya sa mga janitors and janitress sa school na maglinis ng mga classrooms, WC’s and covered court. Pagakatapos ay tumatanggap na siya ng two thousand araw-araw. Masaya na siya sa ganoon.
“Oh halika na.” Atat na sabi ni Anaki. “Makikita ko na naman doon ang crush ko.” kinikilig pa nitong dugtong.
Speaking of crush, may crush din naman siya. Si Jordan. Suplado ito dati. Nakasimangot lagi kapag nakikita siya. Mapadikit lamang siya dito ay agad na kukuha ng alcohol at magpapahid sa katawan. Noon una ay inis ang nararamdaman niya. Pero naisip niyang siguro ay ganoon lang talaga ang lalaki dahil sa tuwing makikita nga naman siya nito ay galing siya sa loob ng kubeta.
Pero ngayon ay nagbago na ito ng pakikitungo sa kaniya. Siguro ay nakasanayan na nito ang gayon at ngayon nga, pinapansin na siya. Ang saya saya niya talaga ngayon araw na ito. Ang daming magandang nangyari sa kaniya ngayon. Maituturing niyang best day for the rest of her life.
“Ella, Halika na.” Hila na siya nito palabas ng school.
Nang makarating sila sa videokehan ni Aling Kareng ay agad siyang iniwan ni Anaki at nagpunta sa maliit na stage. Siya naman ay humugot ng barya upang ihulog sa jukebox. Nakangiting bumaling sa kaibigan na agad na nagrequest ng kanta.
“Okay.” Isa sa mga paborito niya ang napili nito. Pinindot niya ang mga numero at ilang sandali pa ay naririnig sa buong paligid ng videokehan ang intro ng kanta.
bakit ba ako laging ganito?
lagi akong ‘di mo napapansin..
para na lang akong laging sumusunod sa gusto mo..
lagi kitang inaalala kahit di mo akao pansin
honey, my love, so sweet..
Kahit ako di mo pinapansin, hindi ako nagagalit sa’yo
pagkat alam ko na ang iyong damdamin para sa akin…
hindi mo lang alam ang aking nadarama pag kapiling ka..
honey, my love, so sweet..
Hindi niya maiwasan mapabuntong hininga. Bagay na bagay sa kaniya ang lyrics.
“Hayyyy Jordan..Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon dahil napansin mo na ‘ko.” anang isip niya. Hindi niya kayang isatinig ang nararamdaman dahil maraming tao ang videokehan. Ayaw niyang masabihang nababaliw o di kaya ay ilusyunada.
Uupo na lamang siya sa nakalaan mesa para sa kanila ni Anaki ng may humablot sa braso niya. Gulat siyang napatingin. Nakangising lalaki ang nagpalaki ng mga mata niya. Lasing na ito kaya naman nakakatakot ang anyo nito.
“Bakit po?” nahihintakutan niyang tanong.
“Nakaharang ka sa nilalakaran ko.”
Muntik na siyang mapaduwal dahil sa masangsang na hininga nito. Malapit na malapit ang mukha nito sa kaniya at gusto na niyang mapaiyak sa sobrang takot.
“Sorry po.” pigil ang hikbi niyang anas. Nanginginig na siya sa takot at hindi na niya malaman ang gagawin.
“Ella!” sigaw ng kaibigan niya. Akma nitong lalapitan si Ella ng makita nitong dinilaan ng lasing na lalaki ang pisngi ng una.
Napasigaw na si Ella. Nakakuha na sila ng atensiyon ng mga tao sa videokehan.
“Gago ka!” nakalapit na si Anaki at hinampas ng hinampas ang lalaking may hawak kay Ella.
Nakaharang ang isang kamay ng lalaki bilang pagsangga sa mga hampas ni Anaki. Ang isang kamay naman ay mahigpit na nakakapit sa braso ni Ella. Tumayo pa ang mga kasama ng lalaki at hinablot si Anaki. Ang mga customer ay takot na nagsilabasan ng videokehan. Hindi gusto ng mga ito madamay sa kung anuman mangyayari sa loob.
“Bitiwan niyo ako!” nagpupumiglas si Anaki.
“Bitiwan daw oh.” nakangising sabi nito at binitiwan si Anaki ngunit sinapo nito ang magkabilang dibdib bago humalakhak. “Malaki ang mga ito!”
Napaiyak na si Ella. Hindi siya makapagbuka ng bibig. Sobra ang pagkatakot niya sa mga nangyayari. Nakita niyang natabig na ni Anaki ang mga bangko sa kakapiglas nito. At nakita niyang sinapo ang dibdib nito ng may hawak dito. Gusto niyang sumigaw. Hindi siya makagalaw. Nanigas na siya sa pagkakatayo. Hindi na siya makahingi ng saklolo.
“Ella!” sigaw ni Anaki. Nanghihina na rin ito at hindi na makapalag ng husto.
Pilit silang inihihiga sa malamig na semento.
“Saklolo! tulungan niyo kami!” sigaw ng isip niya ngunit hindi niya maisatinig.
Napapikit siya. Nagawa na silang maihiga sa semento. Ang tangi na lamang nilang magagawa ay umiyak at magmakaawa.
“Anak ng– Akala ko pa naman makakapag-enjoy rito.” anang baritonong tinig na nagpamulat sa mga mata niya.
Lalaki. Isang lalaki na- “Tulungan mo kami. Tulungan mo kami.” nagmamakaawa ang boses niya ngunit ang lalaki ay magkasalubong ang kilay na nakatingin lamang sa kanila.
“Peste-”