DITO SA PUSO KO

347257-20060413055459[1]

‘DITO SA PUSO KO

KABANATA 1:

Hindi na halos makita si  Dorothy dahil sa tatlong malalaking kahon na buhat niya. Mga cookies ang nasa loob ng kahon. Ide-deliver niya kay Aling Lydia- suki niyang kumukuha ng mga cookies para sa bakery shop nito.

Suki rin niya si Aling Lydia sa mga isda. Nang minsang bigyan niya ito ng cookies bilang pasasalamat sa mga isdang ino-order nito sa kaniya ay agad itong um-order. Masarap daw ang cookies niya. Ang sabi niya ay hindi niya ibinebenta. Ngunit nakumbinsi siya nitong gawin negosyo rin ang mga cookies. Pang-dagdag din sa mga kikitain niya.

Kaya heto siya, masiglang ide-deliver ang mga cookies. Tatlong kahon agad ang order sa kaniya. Hindi lang iyon, bukod kay Aling Lydia ay mag-dedeliver din siya sa mga amiga nito na may malalaking Bakery shop sa Silang.

Tuwang-tuwa rin siya sa natanggap niyang text message mula sa bestfriend niya. Nanggaling daw ito sa kapatid ng hipag nito at ang sabi ay maaari siyang tulungan na lalong mas mapabilis ang mga papers na i-si-nubmit niya sa embahada ng Denmark. Hindi na siya makapaghintay na makita ang bestfriend niya. Mahigit isang taon na silang hindi nagkikita-sa personal-pero sa webcam ay madalas silang nag-uusap. Masaya raw ito sa Denmark at natutuwa siyang malaman na maayos naman ang lagay nito kahit ang sabi nito ay sobrang lamig doon.

Malapit lang ang bahay ni ALing Lydia sa palengke. Naglakad na lamang siya. Abalang-abala ang isip niya sa mga gagawin niya matapos na i-deliver ang mga kahon. Nag-iisip rin siya kung ano bang pwede pa niyang pagkakitaan bukod sa pagbebenta ng isda at mga cookies.Kailangan niya kasi ang pera ngayon dahil sa pag-alis niya pagpunta ng Denmark. Kailangan niyang makaipon ng malaking halaga upang may sapat siyang pera na gagamitin doon. Hindi niya gustong umasa sa best niya. Hindi rin niya gustong maging pabigat pa siya rito.

Dahil sa kaabalahan sa pag-iisip at sa buhat na malalaking kahon ay hindi na niya napuna ang isang kotseng paparating. Naihagis niya ang mga kahon ng makarinig nang sunud-sunod na busina. Isang pulgada na lamang ang distansiya ng unahan ng kotse sa katawan niya. Nakita pa niya ang pagkalat ng cookies sa ere bago pa ito nagkadurug-durog sa magandang kotse at sa maalikabok na kalsada.

“Cookies ko!” sigaw niya ng matauhan sa pagkabigla at nagdudumaling dinampot ang mga cookies na nakasabog sa unahan ng kotse.

Isa pang busina ang nagpabangon ng inis niya. Binalewala ang nadamang takot at hinampas ang unahan ng kotse. Hindi niya maaninag ang driver sa loob. Kung laser lang ang mga mata niya ay marahil tumagos na ang mga iyon sa tinted na windshield. Mukhang mamahalin ang kotse. Nakita niya ang tatak. Napaingos siya. Wala siyang pakialam kung mamahalin ang kotse ng ugok na driver. Ganitong inis siya ay wala siyang pakialam ngayon. Kinatok niya ng malakas ang unahang bintana ng kotse nang makalapit doon.

“Hoy! Wala kang konsiderasyon ah. Mababangga mo na ko, hindi ka man lang humingi ng dispensa. Lumabas ka diyan!”  malakas niyang sabi at nakapaymewang na hinintay ang driver na lumabas.

Nagbaba ng salamin ng kotse ang driver. At sa nakakainis na tono ay nagsalita ito na parang hari.

“What’s with you, Lady? Hindi ka naman nabangga ah.”

Aba at may pagkamayabang pala ang lokong to! nasabi niya sa sarili sa sandaling pagtitig sa lalaki. Hindi niya ito masisi, gwapo ito. Kahit hindi niya makita ang mga mata nito dahil sa dark rayban na suot ay masasabi niyang malakas ang dating nito sa mga babae. Mestisuhin at makinis ang balat nito. nakikita niya iyon sa braso nitong nakahantad. Pihado, ito yong klase ng lalaking magpapaiyak ng mga babae.

“Hoy mamang driver, Hindi mo nga ako nabangga, pero dahil ginulat mo ako sa busina ng maganda mong kotse, naihagis ko tuloy ng wala sa oras ang mga cookies ko!” sunud-sunod at halos hindi siya huminga sa pagkakasabi niyon.

Nakita niyang umiling-iling ito. Nagtaas na siya ng kilay. “Hoy! anong iniiling-iling mo diyan? Bumaba ka nga diyan! ang yabang mo ha!” hindi niya nagustuhan ang pag-iling na ginawa nito. Para siyang sinabihan na napakatanga niyang tumawid ng kalsada.

Nakakaloko itong ngumiti. Nagtanggal ng rayban bago isinukbit sa collar ng t-shirt na suot nito. Binuksan ang passenger side at bumaba.

Nahigit niya ang hininga. Matangkad ang lalaki at nakuha niyang tingalain ito. Hindi lang dahil sa matangkad ito, napansin din niya ang singkit na mga mata nito. May kung anong kumurot sa puso niya. At tila may ibinubulong iyon sa kaniya. Stop it Dorothy! Kalimutan mo na siya! pinigil na niya ang sarili bago pa luminaw ang imahe na nakikita niya sa lalaki. Umingos siya.

“It’s just a cookies, Lady.” walang ganang sagot nito. Nasa isip na napakasungit ng babaing kaharap. Para lamang sa mga cookies ay nakuhang sumigaw at magtaray.

“It’s just a cookies lady.” gagad niya sa sinabi ng lalaki. “Hoy! Hindi mo lang alam kung gaano kaimportante sa akin ang mga cookies na iyan! Palibhasa kasi puro goodtime lang ang alam ng mga katulad mo! Conyo!”

Tinalikuran na niya ito at tiningnan ang mga cookies na pwede pa niyang maisalba. napakagat labi siya nang wala man lang matinong cookies ang natira. Lahat ay nagkadurug-durog at ang iba ay may mga putik na. Namasa ang mga mata niya. Katangahan ang pinairal niya kaya ayan ang napala ng mga cookies niya.

“Marumi na iyan, Miss.” sabi ng lalaki ng makitang pinupulot niya ang mga cookies sa unahan ng kotse nito.

Tinipon niya ang mga cookies. Kinuha ang kahon na malapit sa kotse at inilagay ang mga iyon sa loob. Binuhat niya ang kahon bago hinarap ang lalaki.

“Pwede ka pa naman gumawa ng panibago.”

“Oo nga naman, pwede pa naman akong gumawa ng panibago.” sarkastiko niyang sagot. Naiiyak na siya pero hindi niya gagawin umiyak sa harapan nito. Galit niyang ibinagsak ang kahon ng cookies sa harapan nito. “Hindi mo kasi alam kung gaano kaimportante sa akin ang mga cookies ko. Sampung libo ang nawala sa akin.”

Kinuha nito ang wallet sa bulsa ng likuran ng pantalon nito. Walang anuman humugot ng liliman daanin bago inabot sa kaniya. “Here. take it.”

“Ano iyan?” tumalim ang mga mata niya ng kunin nito ang kamay niya at ilagay sa palad niya ang pera.

“Kunin mo na. Kailangan mo ng pera ‘di ba? Kaya ‘eto na binibigyan na kita. Sampung libo iyan. Huwag ka nang magpaawa sa akin.” tila nagmamalaki ito sa kaniya at tiningnan siya ng may simpatiya.

Naikuyom niya ang mga kamay. Ang tingin ba sa kaniya ng lalaki ay nagpapaawa siya rito? “Alam mo Conyo, hindi ka lang hambog, gago ka pa. Hindi ko kailangan ang pera mo at hindi ko kailangan ang awa mo. Kaya kong kitain ang sampung libo.”

Mahinahon niyang isinauli ang pera kahit ang totoo ay gusto niyang sampalin ang lalaki. Pero nakuha pa rin niyang maging madiplomasiyang tao dahil tinalikuran lang niya ito. Marami pa siyang mas importanteng dapat na gawin kaysa ang makipag-yabangan sa lalaking ito.

“Miss wait!”

Narinig pa niya iyon pero hindi na lang niya pinansin. Sayang lang ang oras niya. Hindi niya dapat pag-aksayahan ng oras ang isang katulad nito, kahit na ba kahawig pa ito ni Warren.

“What’s gotten in to her?” nagtatakang tanong ni Harry sa sarili. Ano bang ginawa niya at nagalit sa kaniya ang babaing iyon?

Pinulot niya ang perang inihagis sa kaniya ng masungit na babae. Naisip niyang ma-pride pala ang babaing masungit. Hindi na nga tinanggap ang pera na ibinigay niya ay nasabihan pa siyang hambog na ay gago pa. Wala naman siyang ibig sabihin sa pagbibigay niya ng pera. Para lamang kasing may kung anong sumuntok sa kaniya sa nakita niyang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito.

Naiiling na muli niyang inilagay sa loob ng wallet ang pera bago inihagis sa loob ng kotse. Sumandal siya sa pintuan at inilinga-linga ang ulo. Kanina pa siya paikot-ikot sa palengke sa kahahanap sa kapatid niya. Hanggang ngayon hindi pa rin marunong magbigay ng direksyon ang kapatid niya. Kanina pa niya nalibot ang buong Muntinlupa ngunit hindi niya ito matagpuan.

Ang sabi ng kapatid niya ay malapit lang ang apartment nito sa palengke mismo ng Muntinlupa. Pero ni isang apartment ay wala siyang makita. Ano bang klaseng apartment ang tinutuluyan ng kapaitd niya?

Napailing siya. Kung malalaman lang ni Teresita ang kalagayan ng kapatid niya ay maghihisterikal na ito at pauuwiin na ang kapatid niya sa amerika. Pareho halos silang isinilang sa Amerika pero sa katigasan ng ulo ng kapatid niya ay mas pinili pa nito ang manirahan sa pilipinas na kasama ang yaya nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang kailangan mangumbinsi sa sutil niyang kapatid na ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa. Hindi rin naman ito nakikinig sa kaniya. Her sister is like a bird na mas gusto ang malaya kaysa panghawakan ang negosyo ng pamilya. Siya tuloy ang namamahala ng lahat.

“Damn! where are you, Nersita?” iritable na siya. Dapat ay nasa Miami siya ngayon at masayang nagbabakasyon. Pero heto siya, sa pilipinas bumagsak. Masasakal niya talaga ang kapatid kapag nakita niya ito.

Muli sana siyang papasok sa kotse ng may tumawag sa pangalan niya. Agad siyang lumingon sa likuran niya. Namimilog ang mga mata ng babae at tuwang-tuwang tumatakbo palapit sa kaniya. Si Nersita. His kid sister with a red hair and punky dress.

“What are you doing here, asshole? good to see you!” paos nitong sabi matapos siyang durugin sa sobrang yakap na ginawa sa kaniya.

“Watch your mouth, Nersita.” sita niya sa kapatid. Hindi nga ito lumaki sa Amerika ngunit nakuha naman nito ang pag-uugali ng ilan sa mga American. Kung anu-ano lumalabas sa bibig nito. “Where is your apartment? I’ve been looking for you since morning.”

Napahagikgik ito sa nakikitang iritasyon sa mukha niya. Bungisngisin ang kapatid kaya kahit nagagalit siya rito minsan ay nagagawa na lamang niya iyon tawanan. Nadadala siya sa pagiging easy going nito kung minsan.

“Nah. Tingin ko naman nag-enjoy ka sa paghahanap mo sa akin.” maluwang ang ngiti nito at tila masayang kumikislap ang mga mata. Napatingin ito sa kotse at napasipol. “Wow! You are now a daed meat, asshole. Maka-carnap ang kotse mo kung ipa-park mo iyan sa kung saan.” Hinipo ang kotse at muling napasipol. “May insurance ba ito?” nakatawang dugtong nito sa sinabi.

Tumango lang siya at pinagmasdan lang ang kapatid na umupo sa unahan ng kotse. Napakapa ito sa may puwitan ng may maupuang tila nadurog sa ginawa nitong pag-upo. Tinitigan nito ang hawak bago tumawa ng malakas.

“Kumakain pala ng cookies ang kotse mo, ‘Tol. Aba sosyal!” Bumaba ito sa kotse at nagpagpag ng pantalon kinapitan ng cookies.

“Isa kasing masungit na babae ang nanghagis ng cookies sa magandang kotse ko.” eksaheradong pagku-kwento niya. Bumalik na naman sa isip niya ang hitsura ng babae. Kung hindi lamang ito masungit ay cute sana ito. Maliit ang mukha nito na binagayan ng mga matang medyo singkit. Siguro ay cute din ang babae kung ngumiti.

“Mukhang interisado ka sa babaing masungit.” nanghuhuli ang mga tingin nito. “Iba kasi ang ngiti mo eh.”

Napatawa siya. Inakbayan niya ang kapatid at hinalikan sa pisngi. Ikinangiwi nito ang ginawa niya at pinahid ang pisngi. Lalong lumakas ang tawa niya.

“Kaya ayoko na nandito ka eh. Gugulo na naman ang mundo ko. Sino naman kaya ngayon ang babaeng paiiyakin mo?” nag-galit-galitan ito pero halata naman niyang na-miss din siya ng kapatid niyang sutil.

“Come. Show me your apartment.” masuyo niyang sabi at iginiya na niya ito para maglakad.

Napairap ito. “Baka ma-windang ka. Palasyo ang apartment ko.” pagmamayabang nito nang may maalala. “Teka ang kotse mo!” Inalis nito ang braso niyang nakaakbay at binalikan ang kotse niya.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.