CRUSH KITA
![sexyinredst7[1] sexyinredst7[1]](http://apriljune.files.wordpress.com/2009/08/sexyinredst71.jpg?w=450)
CRUSH KITA
Leader ng Gang si Janus na sa unang pagkakita pa lamang ni Amy ay nalaglag na ang puso niya. Kakaiba ang mga matang iyon. Ngayon lamang siya nakakita ng mga matang kasing asul ng langit. Masasabi niyang isang alagad ng Diyos ang lalaki. Kahit laging nakaangil si Janus ay nadarama niyang may espesyal itong pagtatangi sa kaniya.
“Get the hell out of my life!” galit na lintanya nito sa kaniya. Muntik na itong mamatay nang iligtas siya nito sa mga kalaban nito sa gang.
Espesyal nga ba siyang itinuturing nito? Bata pa lamang siya. Hindi rin ito bagay sa katulad niyang tahimik at may kaya sa buhay. Isang ilusyon nga lamang ba matatawag ang pag-ibig niya kay Janus?
CHAPTER 1:
“Anak ng–” mahinang pagmumura ni Janus. Kanina pa sila hinahabol ng mga buteteng parak, ngunit wala silang makitang kasamahan nila. Mahinang tinapik sa balikat ang kasamahan sa Gang na si Goryo. Isinenyas na kailangan nilang magtago.
Nag-sign language ito. Itinuturo rin ang isang daan na alam niyang mga drug pusher at drug dealer ang nakatira.
Shit! He has no choice. Kailangan nilang magtago na muna. Mas gusto niyang magpabugbog sa mga pusher kaysa ang makulong. Masakit sa ego iyon. Tumango siya sa kasamahan.
Tinakbo nila ang daan papunta sa lugar na iyon. Malapit na sila sa bukana ng huminto sila at nakangising humarap sa mga parak na hinihingal na. Hindi rin biro ang tinakbo nila. Mula sa syudad hanggang dito sa Buglar city ay masasabi niyang pwede nang ipambato sa takbuhan ang mga parak na ito.
Pumalakpak siya. “I’m really proud of you guys. Talagang umabot kayo sa ganito kalayong takbuhan at habulan. Nag-enjoy ako, Maraming salamat!” Nakangising turan niya habang pumapalakpak. “Pero sa kasamaang palad ay hindi na muna kami magpapahuli sa inyo. Marami pa kaming mga mayayamang dudukutan at marami pa kaming ramble na dadaluhan.”
Ngingisi-ngising hinampas ni Goryo ang puwetan niya bago nag-belat sa mga parak. “Narinig niyo naman siguro ang sinabi ng Leader namin, mga bugok?”
Agad itong nagtago sa likuran ni Janus ng makitang humugot ng baril ang dalawang pulis.
“Oh teka lang. Isang maling kalabit, patay din kayo.” iiling- iling niyang awat sa mga ito ng akmang iaangat ng mga pulis ang hawak na mga baril.
“Tarantado kayong mga bata kayo! Kapag hindi pa kayo sumuko sa amin, babarilin ko kayo!” hinihingal na sigaw ng isang pulis. Mataba ito at sobra sa pagka-itim ang balat nito. Mas matatawag na kontrabida ito kaysa alagad ng batas. Nakakatakot ang hitsura nito.
“Relax, Boss!” natatawa niyang awat sa pulis. “Hinga muna ng malalim.”
Nag-sign language siya kay Goryo. Hindi nila kailangan pumasok sa lugar na iyon. Mapanganib masyado at hindi sila handa. Wala silang pamana sa mga taong bangag at halang ang kaluluwa. Naisip niyang lansiin muli ang dalawang buteteng pulis. Sumenyas siya na kailangan nila tumakbo ulit.
Napakamot sa ulo si Goryo. Napapasubo talaga ito sa takbuhan kapag siya ang kasama nito. Hindi naman niya ito masisi. Hindi niya gustong manakit ng tao. Wala rin siyang balak na makulong. Kaya hangga’t kaya niyang iwasan ang mga parak ay ginagawa niya.
“Halika na, Goryo.” bulong niya. “Pagod na ang mga iyan. Hindi na nila tayo mahahabol. Kaya mo pa ba?”
Tumango ito. Wala na naman itong magagawa, dahil nasa tinig rin niya pag-uutos rito. Hindi man niya gusto ay kusang lumalabas ang pagiging istrikto niya at bossy kapag nasa gipit sila.
“Handa na ko, Janus.” bulong rin nito.
Tumango siya. “Pag-bilang ko ng tatlo, tumakbo ka sa ibang direksyon. Siguraduhin mo lang na hindi ka madadakip. Magkita tayo sa hide-out.”
Hindi pa ito nakaka-tango ng humudyat siya ng bilang na tatlo. Sabay silang kumaripas ng takbo sa magkabilang direksyon. Hindi pa nakakapahinga sa malayong takbuhan ang dalawang pulis ay mapipilitan na naman ang mga itong habulin ang dalawang matinik na magnanakaw sa buong city ng Copenhagen.
“Amy, c’mon, hurry up!” naiinis nang yaya ni Simone sa kaniya. May bibilhin silang school project ngayon at may kasama na rin pamamasyal kaya naman inip na inip na sa paghihintay sa kaniya ang kaibigan niyang saksakan ng reklamador.
“Eto na nga at nagmamadali na ako eh. Alam mo naman na hindi ako sanay ng nakatakong. I’m only thirteen, Simone.” reklamo rin niya sa bestfriend niya.Pinaikot pa ang mga eyeballs.
Maliit pa lamang sila ay magkasama na sila. Wala silang pagkakapareho ngunit nagkasundo sila sa pagiging reklamador at makulit. Mahilig ang kaibigan sa mga in na fashion trends. Ngunit siya ay tipo ng teenager na weird at simple ang gustong style. She even got a tattoo on her butt but its only a secret to her parents. Malilintikan siya kapag nalaman ng mga ito at tiyak na ipatatanggal sa kaniya iyon. Masakit kaya iyon!
“Hay naku, Amy. Ang mga style mo talaga. It’s time for you to change. Itabi mo muna ang mga pang-manang mong damit sa closet. Ibahin mo muna ngayon ang get-up mo!” natatawa nitong panunukso sa kaniya. Pinagmasdan siya. Nasa mukha nito ang pagkakuntento sa nakita sa kaniya. “You look really great in your clothes today. At tiyak ko, hindi lang si Jasper ang magkaka-crush sa’yo. Lahat na ng boys sa school. Isn’t that great?!” nag-beautiful eyes pa ito.
“I told you, I’m only thirteen. Hindi ko kailangan magsuot ng ganito. Huwag mo akong itulad sa’yo na sandamukal ang sapatos at kabi-kabila ang mga suitor. Kunteto na ko sa isa.” pagbibiro niya.
Nag-make face ito. Alam nitong nagbibiro lang siya, dahil hanggang ngayon ay wala siyang nagiging boyfriend. She’s weird and masochist kaya hindi siya maligawan. Lalapitan pa lamang siya ng mga lalaking magtatakang manligaw sa kaniya ay pinagsasabihan na niya agad ang mga itong layuan siya at walang panahon sa mga lalaking walang skeleton sa katawan.