ANGEL’s LOVE
![minitokyo4qj4[1] minitokyo4qj4[1]](http://apriljune.files.wordpress.com/2009/08/minitokyo4qj41.jpg?w=450)
synopsis:
Isang hitman ng TRIAD syndicate si Angela a.k.a ANEMONE. Inutusan siya ni Dark Moon-isa sa mga founders ng TRIAD- na patayin ang pinagkakatiwalaan nitong kaibigan sa sindikato. Nagpanggap siyang estudyante na kailangan magresearch para sa isang subject. Nakatagpo niya ang lalaking maabilidad, matinik na pulis, gwapo at antipatiko sa isang nakahihiyang sitwasyon.
KABANATA 1:
Matamang pinagmamasdan ni Angela ang lalaking tatlong beses pa lamang niyang naka-trabaho. Napapangiti siya sa tuwing makikita itong tatawa at bubulong sa asawa nito. Ikinasal na ito ngayon at alam niyang nakalaya na ito sa impiyernong dating kinasadlakan nito.
Huminga siya ng malalim. at iniwan na ang simbahan. Nasa labas na siya ng muli siyang mapalingon sa walong pares na ikinasal. Panay ang hagis ng confetti ng mga dumalo at palakpakan ang muling nakapagpangiti sa kaniya.
“Hangad ko ang kaligayahan mo, Kuya Ysmael.” Anas niya at inuot ang dark rayband bago iniwan ang lugar.
Pinuntahan niya ang motorsiklo niyang nakaparada sa di kalayuan sa simbahan. Pinainit niya muna ang makina bago sumampa sa motorsiklo at pinaharurot.
Wala siyang nadaramang lamig kahit halos lantad na ang buong likod niya sa suot na blackless halter blouse at tight jeans. Manhid na siya sa dami ng sakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Ini-on niya ang cellphone na nakalagay sa safeplace kit sa harapan ng motorsiklo niya. Ikinabit niya sa tainga ang earphone and rolled her eyes with iritation after she heard the panic voice of her bestfriend Champion.
Napailing siya. Idinial ang number ni Champion ng isang kamay. Nakarinig siya ng ‘hello’ sa kabilang linya.
“Anemone here. What’s the next mission?” Malakas niyang tanong sa kaibigan. Alam niyang hindi siya nito maririnig dahil sa matulin na pagpapatakbo niya sa motorsiklo. Humahaginit ang hangin sumasalubong sa kaniya.
“My Goodness, Ane. Where have you been? I’m worried about you.” she heard the panic voice again and she can’t help but laugh amusingly.
“You’re always worried about me. You’re not that old to worry to much. How old are you now, Champ?” hindi niya mapigilan na asarin ito. Madaling mapikon at maasar ang kaibigan kaya naman lalo siyang naeenganyong galitin ito.
“Don’t change the topic. Where have you been really?”
She didn’t bother to look at the stop light when she turned left across the street. She sighed deeply before she answer Champ with envy in her voice. “Pumunta ako sa kasal ni Kuya Ysmael.”
“And you’re dead!” halata na sa boses nito na galit na ito. “You’re stupid, Ane. You know what is the situation is. Gusto mo laging ipinapahamak ang sarili mo.”
She sighed. ”I’m already dead, Champ. Simula nang tanggapin ko ang trabahong ito.” Tumigas ang mukha niya sa pagkakasabi niyon. Muling bumalik sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila walong taon na ang nakakaraan. Ngunit pinalis na agad niya iyon bago pa lumawig pa at mawala ang konsentrasyon niya sa daan. “So what’s the next mission? Who’s the target?”
“Okay.” nasa boses nito na hindi na nito gusto pang makipagtalo sa kaniya. Tinanggap na nito na wala itong mahihita sa pakikipagtalo pa sa kaniya. “The mission…At Cavite. The target is one of assoiciate friend of Dark Moon.” The sound of Champion voice was sour grape as if she really disgust that man. “Mayor Aguillar planning to quit in TRIAD and make his own illegal activities. Dark Moon said that he want us to terminate this bastard as soon as possible. Can we handle that, Ane?”
“Who are you talking to?” sarkastiko niyang sabi.
“Gumawa siya ng ingay sa medya at-”
Hindi na niya pinatapos pa si Champ. Alam na niya ang dahilan ng target nila. Hindi ito pinayagan ng TRIAD na umalis sa sindikato dahil marami na itong nalalaman. Hindi madali ang makalabas sa sindikato. Ang parusa ay kamatayan sa sinoman magnanais na makawala sa TRIAD. Isang impiyernong-paraiso ito na maari kang maging hari at alipin.
“When are we going?” tanong niya habang inaalis ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.
“ASAP!” bago ito nawala sa kabilang linya.
Inalis ang earphone at ipinaikot sa cellphone ang cord. Inapa ang helmet na nasa likuran and unsnapped it. Isinuot niya iyon kahit na hindi niya gusto. Highway na ang daraanan niya at malamang na magkaroon ng check point ang mga daan dahil sa malakas na ulan nang nagdaang gabi. Hindi niya gustong gumawa ng ikapapahamak niya. She smiled at that thought.
Nag-angat ng tingin si Rey ng tapikin siya ng matalik niyang kaibigan na si Elmer. Nahinto ang kamay niya sa pagguhit ng isang babae at nagtaas ng kilay sa kaharap.
“Serious na serious ah!” natatawang pang-aasar nito at tumingin sa ginuguhit niya. Napailing ito ng makita ang babaing laging laman ng kaniyang isipan.
“Hanggang ngayon ba naman iyan pa rin babaing iyan ang laman ng isip mo?” napapakamot ito sa ulo. “Walastik, Reynaldo, Bata palang tayo iyan babae na yan ang lagi mo nalang iginuguhit. Hibang ka na ba talaga? Beite-sais na tayo, hindi six years old. Itigil mo na iyang kahibangan mo!” mahabang litaniya nito at binura ng paa ang malapit na sanang mabuo na larawan ng isang babae.
Matalim niyang tiningnan ang kababata bago nagbuntong hininga. Nakilala niya ang babae sa kaniyang panaginip. Anim na taon siya ng mapanaginipan niya ang babae na inililigtas niya sa isang lalaking walang mukha. Pilit itong hinahabol ng lalaki, nang una ay nagmamasid lamang siya, ngunit ng hagupitin ng lalaki ang babae ay agad siyang umaksyon. Namalayan na lamang niyang nasa mga bisig na niya ang babae at pinatatahan ito sa pag-iyak.
“Hindi mawala ang anghel na babae sa panaginip ko. Pinipilit ko pero lalo lang siyang nagsusumiksik sa utak ko. ” himutok niya pero sinabayan niya ng ngiti. “Mas lalo sigurong gumanda ngayon ang anghel ko.”
“Ewan ko sa’yo. Maghanap ka ng kausap mo.” napapakamot sa ulong anito at naupo sa buhanginan.
Tinapik niya ito sa balikat at naupo rin katabi nito. Alam niyang iyon na naman ang pinoproblema ng kaibigan. ANg impiyernong lugar na ito.
“Kailan kaya tayo makakaalis sa impiyernong lugar na ito?” bulong nito ngunit dinala iyon ng panghapon hangin sa pandinig niya.
“Huwag kang mag-alala, Elmer. Ang anghel ko ang tutulong sa atin. Siya ang magliligtas sa atin sa impiyernong lugar na ito.”
“Pare, ewan ko sa’yo!” nayayamot nitong sagot sa kaniya. “Paano makakatulong ang anghel na sinasabi mo kung imahinasyon mo lang iyon? Seryoso ang problema natin, pare, wag mong gawin biro.”
“Hindi ako nagbibiro pare, darating siya…nararamdaman nito..” itinuro pa niya ang tapat ng dibdib.
Tumayo ito at nagpamaywang sa kaniya. “Maghanap ka ng kausap mo.” sabay walk-out nito.
“Ang anghel ko ang kausap ko!” pahabol niya sigaw ng makitang malayu-layo na ito.
“Kausapin mo ang lelong mong panot!” ganting sigaw nito.
Napahagalapk siya ng tawa. Huminga ng malalim ng hindi na niya ito matanaw. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakatawa dahil sa kakaisip sa mga kasong hawak niya. Napatiim bagang siya. Naturingan na alagad siya ng batas ay hindi niya kayang protektahan ang bayan niya. Wala siyang kwentang pulis!
KABANATA 2:
“Bakit kailangan pa natin mag-disguise?” Inis na tanong ni Angela. Papunta na sila sa Silang. Kasalukuyan nasa loob sila ng bus. Agad nilang pinili ang pangalawa sa hulihan na upuan. Hindi maganda ang napunta sa kanilang pwesto dahil maraming tao ang nakaupo sa unahan at likuran nila.
“Nasaan ba ang utak mo?” inis nitong sabi na halos pabulong lang at tumingin tingin sa paligid. “Hinaan mo nga yang boses mo, mamaya may makarinig sa atin dito matunugan tayo ng target.”
“Madali lang ang trabahong ito, Champion. Hindi na natin kailangan na magdisguise na naisipang magbakasyon lang o may research na tatapousin na para tayong mga estudyante. Kayang-kaya natin tapusin ang target.”
“Wrong Anemone. Kilala niya tayo dahil nakita niya ang mga profiles natin sa video tape ni Dark Moon. Mukhang alam niyang mangyayari ito at baka may nakahanda nang plano ang ganid na iyon.” nagtagis ang bagang nito.
Nang matiyak ni Champion na tulog ang mga tao sa loob ng bus ay prente itong sumandal sa sandalan ng bus at pumikit.
“Hindi ko alam minsan may pagka-careless din pala ‘tong si Dark Moon. Hindi siya pwedeng maging founder ng TRIAD kung ganoon siya katiwala sa mga kasamahan niya. Para na siyang nagpalapa sa mabangis na leon.”
“Huwag mong husgahan si Dark Moon, Anemone. May dahilan siya kaya siya ganoon. Malayo pa tayo sa San Isidro.” anito bago sumubsob sa malaking bag nito na nakapatong sa hita.
Napalabas buhat sa binabantayang preso si Rey. Nang makarinig ng malakas na tawanan. Napailing siya ng makitang dalawang babae ang pinagtatawanan ng mga kasama niyang pulis. Tumabi siya kay Elmer na malapit sa main gate ng kulungan.
” Anong meron dito, Elmer?” bulong niya. Hindi niya mabistahan ang dalawang babae dahil nakatalikod ang mga ito sa kaniya.
“Meron na naman silang bibiktimahin. Mga sagad talaga sa buto ang mga kahayupan ng mga gago.” pagalit na bulong nito sa kaniya. Binistahan mabuti ang mga babae bago napailing. “Mga inosente pa yatang babae ang pinadala ni Mayor Octavio ngayon.”
“Hindi sila mukhang mga tagarito.” aniya at pinagkrus ang dalawang braso. Ang dalawang babae ay mukhang sa Maynila nagmula. Naiiba ang pananamit ng mga ito sa karaniwan nakikita niya sa mga babaeng nakatira sa Cavite. Ang isang babae ay medyo maliit ngunit iba ang tinidig nito. Ang tingin niya ay malaki ang tiwala nito sa sarili. Ang isa naman ay may mahabang buhok. That girl looks fragile and soft. Bagamat naka-tight jeans ito at hindi kita ang mga hita kagaya nang isa ay masasabi niyang may kaseksihan na tagalay ito. ‘Tang na! napamura siya sa isip. Pati siya ay nadadala sa kahayupan ng mga kasamahan nila.
“Call girls?” dugtong niya bago nagbuntong hininga.
“Marahil. Tingnan mo naman ang mga suot. Para silang mga-” nasa mukha ni Elmer ang disgusto. Bumuntong hininga rin ito bago nagpatuloy sa sinasabi. “Alam mo naman ang mga itinuro sa atin ni Ka Prudeng. ‘ Kahit siya pa ang pinakamasamang babae sa mundo o kung ano man ang uri niya ay dapat pa rin natin silang igalang’.”Sunud-sunod itong humigit ng hininga. “Mataas ang pagtingin ko sa kanila. Ayokong matulad sila sa sinapit ng Inay ko na naging pambayad utang.”
Tinapik niya ito sa balikat. “Naiintindihan kita. Gagawa tayo ng paraan.”
“Paano?” nakasalubong agn kilay na tanong nito.
“You better watch out.” makahulugan niyang sabi.
Hinipo ng isang pulis ang hita ni Champion na nakalantad sa suot nitong mini skirt. Tinampal ni Champ ang kamay nito bago tinitigan ng masama ang nakangisi nang pulis. “maniac!”
“Hindi kami nagpunta rito para pagsamantalahan ninyo!” galit na sigaw ni Angela. “Mga estudyante kami at gagawa kami ng thesis tungkol sa natural resources niyo rito. Kailangan lang namin ng permit ninyo at ni Mayor para mapasok namin ang eco forest niyo.” hinihingal na litanya niya. Kung hindi lang kailangan na nakadisguised sila ay kanina pa niya pinatay ang mga ito.
Nagtawanan ang mga ito na tila mga nagkakasayahan demonyo. Naglagatukan ang mga kamay niya sa pagkuyom at pagpipigil na huwag suntukin ang mga hayok sa laman na mga pulis.
“Ganyan-ganyan din ‘yung sinabi sa amin ng mga babaeng nagpunta rito nung isang linggo, pero iba pala ang pakay nila. Pag-aaralan pala nila kung paano kami paliligayahin.” Nakatawang sabi ng isa pang pulis na mukhang butete. Hindi na halos maibutones ang police uniform nito sa laki ng tiyan.
Nanginig ang laman niya sa pandidiri. Hindi niya mapapayagan na hawakan siya ng mga ito. Tiyak na masusuka siya sa pandidiri. Mas nanaisin niyang magpalapa na lamang sa leon. Kinulbit siya ni Champion at umiling. Alam nitong hindi na siya makapagpigil. Nakikita niya ang isang pulis na malapit sa kaniya na may hawak ng baril. Pinipilit niyang kumalma. Nakuha pa niyang bumuntong hininga bago nagsalita.
“Pwede na ba kami makakuha ng permit at ng matapos na itong pag-uusap na ito.” mahinahon niyang sabi ngunit naglalabas na ng apoy ang mga mata niya.
Nagtawanan uli ang mga ito. Hinawakan ng isang mukhang intsik na pulis ang kanang dibdib ni Champion. Lumagapak sa mukha nito ang sampal ni Champion.
“Bastos!” sigaw niya at akmang lalapitan ang lalaking nanghawak kay Champion nang may humawak sa braso niya at hinapit siya at iniharap.
“Hi Sweetheart!”
Nakangiting lalaki ang nakayakap sa kaniya. Hindi na niya naiwasan ang mga labi nito ng siilin siya ng halik. Napasinghap siya. Napaawang